(Source: codeplay, via inspiring-pictures)
I NEED THIS IN MY BLOG!!
(Source: icantspellyou)
(Source: extraordinarynonsense)
Hindi ung love life or social life. Hindi yun eh. Hindi ka dun makakakuha ng ganon kalakas na intensity ng drama. Sige sabihin na naten na naghiwalay kayo ng karelasyon mo. Iniwan ka nya, pinagpalit sa iba, and all that shit. Yes, it’s dramatic. Or nag away kayo ng best friend mo. Walang pansinan ng matagal na panaho. Backstabbing dito, backstabbing doon. Yes, madrama din yan. Pero wala pa din yan sa drama sa family. Kung ikukumpara, yang love life and social life drama, yan ung mga teleserye, pero ung family drama, yan na ung totoong buhay. THE REAL THING!
Sa pamilya ko nakita ko lahat ng klase ng drama. Andyan ung sigawan, sumbatan ng mga bagay bagay, involvement ng iba’t ibang tao. Yung mga pagdadabog, walk-out scenarios, iyakan. Yang mga yan? Hindi ko na kelangan pang manood ng telenovela sa tv para makakita lang ng ganyan. Sa pamilya ko lang busog na ang mga mata ko sa ganyang bagay.
Alam kong lahat tayo may kanya kanyang drama sa buhay. Na ang bawat pamilya eh may kanya kanyang problema. Pero kahit ganun ang pamilya ko, the thing that I LOVE THE MOST ABOUT THEM is that whatever those things are na pinag-awayan or pinagtalunan nila, they are able to put those aside and be a family again.
Magulo man at madrama ang buhay namin ng pamilya ko, kaya naming magpatawad sa isa’t isa. Kaya naming kalimutan ang lahat ng masasama at maging pamilya ulit. That’s the essence of FAMILY. Unconditional love. :)
At kahit madalas awayan, pag kami nagkasama sama, walang tigil na TAWANAN! :)
(Source: extraordinarynonsense)
(Source: extraordinarynonsense)
I don’t know. I’ve been feeling like this for a couple of days now. I really don’t know why. I mean, I’m happy being with my family again. Familiar faces, happy moments. But at the end of the day, I always find myself feeling so alone and unwanted. I don’t know where this came from. I keep thinking what brought on this feeling. It’s not like I’m being neglected or whatsoever. NO! I’m having so much fun here. But there is that feeling of emptiness somewhere inside me. The sense of incompleteness.
I don’t know from which aspect of my life this feeling comes from. But I wouldn’t want it to be because of the fact that I’m not involve with anyone, romantically speaking. It will seem like such a superficial thing to feel shitty about. I mean, what if I don’t have a love life at this moment? It’s not like it’s the end of the world. I can stand on my own. I can be happy on my own. It’s just that, sometimes, I miss the feeling of loving someone and to be loved back. But I’m not in a hurry for anything. I’m enjoying everything that is happening to me right now. I’m enjoying all the things that I have, thankful for all of those.
It’s just that. There’s a side of me, feeling so empty and hollow.
Aaaaahhh!! SH*T!
(Source: extraordinarynonsense)
Year-end Thank You giveaway
Because you, my followers, made me incredibly happy this year, I am giving away prizes!
- one (1) winner of a Starbucks 2012 planner
- one (1) winner of Beats Tour by Dr. Dre
- one (1) winner of a Doodle planner 2012
The mechanics are simple. Here’s what you gotta do:
- Follow Nickastig here on Tumblr.
- Follow Nickastig on Twitter
- Like Nickastig on Facebook.
- Reblog this post.
- Tweet ”Ang pogi mo, @nickpahati! Akin na lang ang Planners at Beats na pinamimigay mo sa http://nickastig.me” (Ang feeler mo, Nick! Hahahaha)
- FB Status ”@nickastig, (INSERT BANAT HERE). Akin na lang ang Planners at Beats na pinamimigay mo sa http://nickastig.me” (Pakilign mo naman ako! ahahha)
Winners will be chosen randomly by draw lots.
Deadline of sending of entries will be on January 1, 2012.
Announcement of winners will be on January 5, 2012.How entries work:
- Following all of the links above will earn you 2 entries.
- Liking all the FB links above will earn you 1 entry.
- One reblog is equal to 1 entry.
- Tweeting will earn you 1 entry.
- Posting a Facebook status will earn you 1 entry .
MAXIMUM TOTAL ENTRIES: 6
Once you’ve worked on all these, send me an email containing:
- Your full name
- Your complete address
- Your Tumblr URL, Twitter URL, Facebook URL
- Reblogged URL, FB status URL, and Tweet URL
The contest is open to everyone and any where in the world. Winners must also send me a message within 24 hours of being announced as winners.
Email: nickastig.giveaway@gmail.com
The Subject of the email must be: NICKASTIG
Thank you so much for all the support! Good luck to everyone!
Possible kaya? Pwede kayang maging magkaibigan kayo ng EX mo? Pwede nyo kayang tawaging “friends” ang isa’t isa after ng break up nyo? Pwede kaya?
Ung linyang, ”We can still be friends.” after ng break up, yan ang ayaw na ayaw ng lahat, lalo na ng mga babae. Ewan ko ba kung bakit. Dahil daw kasi kapag naging maging magkaibigan kayo pagtapos ng relasyon nyo eh dalawa lang daw ibig sabihin nun. It’s either:
or
Talaga? Hindi rin! Siguro ung 2nd part mejo totoo. Pero in a way na mahal nyo ang isa’t isa bilang magkaibigan na lang talaga, at hindi na ROMANTICALLY. Un bang parang turing nyo na sa isa’t isa eh magkapatid. Ung ganun. Wala na ung romantic and lovey dovey part, ung mga kalakip ng relationship. Ang naiwan na lang talaga eh ung pagiging komportable nyo sa isa’t isa. Ung sabihan ng problema, tulungan sa paglutas. Pagiging anjan para sa isa’t isa. Ung mga ganun.
Minsan kasi, kahit hiwalay na kayo, gusto nyo pa ding maging parte ng buhay nyo ang isa’t isa. Ung parte na ng larawan ng buhay. Ung tipong,
“I’ll be the girl that your children will call AUNT, instead of MOMMY”.
Yang ganyan.
Hay ewan. Possible ba? Pwede ba?
(Source: extraordinarynonsense)
(Source: extraordinarynonsense)
So ayan. Ilang weeks na kaming nagtetraining para sa Pep Competition sa school next year. Nakakaenjoy at nakakafrustrate at the same time. Sakit sa katawan, lalo na sa legs. Nakakaloka ung mga routine, lalo na ung jumps! Nako juskupo!
Pero sa pagsali ko dito, lumaki ung respeto ko sa mga cheerdancers, or pep dancers, o kung ano pa mang tawag sa kanila. Basta ung mga nasa cheer squad. Un. Eh kasi. Akala ko dati madali lang ung ginagawa nila. Pag nanunuod ako ng movies na may mga cheerdance, nasasabi ko sa sarili ko na,
“Ang dali dali naman nyan. Kaya ko yan eh!”
Pero ngayong naranasan ko na, hindi pala madali. Hindi ko pala kaya ung mga ginagawa nila. Ung simpleng pagbuhat sayo, at pag steady habang nasa taas ka. Ang hirap pala nung, sobra! Nakakatakot. Ang hirap magbalance ng sarili. Hindi biro ung pagbuhat. Kaya saludo ako sa mga cheerdancers na bunubuhat, at lalo na ung mga nakukuha pang sumayaw o gumiling habang nasa taas sila. Wow! Galing nyo! At dun pa pala sa mga hinahagis! NakakaELIBS kayo! Ako nga, binuhat pa lang, nanginginig na sa takot eh, hindi pa over head un ha. Eh pano pa kay pag hinagis pa. Naku! Ewan ko na lang.
At yang mga jumps na yan. Hurkey, pike and straddle. Hay nako! Kelan ko kaya kayo mapeperfect? Ang baba pa kasi nung talon ko. Kelangan ko pang taasan. Tapos ung SPLIT pa! Hay! Ang sakit sakit na ng singit ko, hindi ko pa rin sya magawa. Pero unti unti na, may improvement naman. Getting there na, malapit na. :D
And lastly, yang CART WHEEL na yan. Naku po! Hind pala sya madali. Dati akala ko basta papaano lang un, na kayang kaya ko sya. Hindi pala. Ang hirap buhatin ng sarili. Natatakot akong ilagay ung weight ko sa kamay ko, kahit saglit lang. Hay buhay! Dapat hindi ako matakot! Dapat magawa ko yun! :D
Ayun. Ang saya lang. Ang dami kong natututunan. Ang dami kong nagawa na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko. Unti unting nawawala ung takot ko na sumubok ng mga bagong bagay. Ang dami palang matutulong sakin nung pagsali ko. Kahit sobrang sakit na ng buong katawan ko, at kahit pasa pasa na ako. Hindi ako susuko. Tatapusin ko ‘toh. ANG SAYA EH! :D
(Source: extraordinarynonsense)
Madami akong nababasang quotes sa iba’t ibang social networking sites. Iba iba eh. Merong pang lalaki at merong pang babae. Sa tinagal tagal, napapaisip ako.
Bakit sobrang gender-biased ng mga tao ngayon?
Eh kasi naman. Pag patungkol sa mga babae ung kowt, kesho hindi dapat nila habulin ung mga lalaking nang-iwan sa kanila, na hindi nila dapat iyakan yang mga lalaking yan ‘coz they’re not worth the tears. Un bang mga tipo ng kowts na sinasabing walang kwenta yang mga lalaking yan kase magaling silang mag PAASA at MANG-IWAN.
Pero pag tungkol na sa mga lalaki, puro DOs and DON’Ts ang laman. Un bang tipong “What guys should do……” chuva chuva ek ek. Hindi na ung tipo ng kowts, tulad nung sa mga babae na parang sinasabi na “Hayaan mo na sya. Di sya kawalan.” Ung mga ganun.
Ako, babae ako, aminado ako na nangyayari ‘toh madalas sakin. Ginagawa ko ‘toh. Nagiging biased ako sa mga kapwa ko babae. Pero syempre, dun lang sa mga sitwasyon na alam kong dapat ko talaga silang kampihan.
Minsan naiinis din akong makabasa ng mga ganyang advices at quotes at kung ano ano pa.
Ano un, BABAE LANG PWEDENG MASAKTAN?
BABAE LANG PWEDENG MAGING BIKTIMA NG ISANG MASAKLAP NA RELASYON?
LALAKI LANG BA ANG PWEDENG MAKASAKIT NG TAONG MAHAL NYA?
LALAKI LANG BA ANG KAILANGANG MAG-EFFORT?
Diba hindi? Give and take ang relationship eh. Hindi porket lalaki eh sya na lahat ung gagawa ng effort, lalo na kapag may tampuhan, o kaya naman eh ang manghabol kapag may hiwalayan. Malay ba naten kung ung babae naman ang may kasalanan ng lahat? Malay ba naten kung ung mga babae ung nagkamali at hindi sila? At chaka NASASAKTAN din ang mga lalaki. Hindi lang nila naipapakita dahil ayaw nilang maging mahina sa harap ng ibang tao. Dinadaan na lang nila ung sa pag-inom, sa gimik at kung ano ano pang mga bagay na pwede nilang gawing defense mechanism. Pero deep inside, umiiyak na sila dahil nawala sa kanila ung taong pinakamamahal nila.
At ang mga babae, porke ba babae tayo eh hindi na tayo dapat maghabol? Eh pano kung tayo ung nagkamali? Pano kung tayo ung nakasakit? Hihintayin pa ba natin na sila ung unang makipag-ayos kahit tayo ung may kasalanan?
Pansin ko lang kasi. Parang ganito eh.
Scenario:
After break ups, ganito karaniwan ang mga usapan ng mga taong hindi involved (i.e. friends or kakilala):
Tungkol dun sa girl —
“Dapat hindi na nya iniiyakan yun. He’s not worth it. She deserves someone better.”
Tungkol dun sa guy —
“Ang kapal naman ng muka nyang iwan ung girl. Tapos pinagpalit pa nya. Gwapo ba sya? Hindi naman ah. Malandi talaga.”
Mas dinadamayan ang mga babae kesa sa mga lalaki. Ung, alam mo un. Ung tipong lahat na ng masasamang salita nasabi ng babae sa lalaking nang-iwan sa kanya. Ewan ko kung ano sitwasyon ng mga lalaki pag nagbreak sila ng girl nya. Kung ano ano din bang masasamang bagay sinasabi nya tungkol sa ex nya. I don’t really know. Basta karaniwan ganun. Mas kinakampihan ang babae sa isang break up, lalo na pag hindi alam ng tao ang totoong istorya.
Basta un. Dapat kasi wala nang ganun ganun eh. Na kesho babae ka, ganito dapat gawin mo. Na kesho lalaki ka, ikaw ung dapat gumagawa ng ganito sa isang relasyon. Wala dapat ganun. Basta gawin nyo lang ung mga bagay na ikakasaya nyo at ikakasaya ng partner nyo, edi tapos!
(Source: extraordinarynonsense)
LOL there is over 450,000 single people and i cant get one of them?
FOREVER ALONE CLUB!! HAHAHA
(via chris17tine)
(Source: icantspellyou)
Umpisahan mo na dapat malaman na ang halik eh hindi palaging may ibig sabihin at ang mga pangako eh maaring hindi matupad at biglang mapako.At minsan ang salitang Paalam, ay maaring pang habambuhay na at hindi mo na kailan pa maibabalik yung taong yun. Palagi mo rin tatandaan na mag-iingat ka kapag magsasabi ka ng salitang “Mahal kita sa isang tao”.
Dahil kapag mali ang pagkakagamit nito at sineryoso ng isang tao, posibleng masaktan ito. Palagi mong tatandaan na hindi ito pang araw-araw na salita. At hindi dahil inaasahan nila ito mang galing sayo. Alam mo rin dapat kung paano at kailan mo dapat gamitin ito. Dahil kapag na inlove ka na, napakahirap na umalis sa pakiramdam na ito.